Wednesday, October 12, 2011

"Jay-Jay"

Hindi sinasadyang nakito kong muli si "jay-jay" kanina. Hindi ko agad naalala ang pangalan nya pero hindi ko maaring makalimutan ang mukha nya. Malaki na siya at isa ng teen-ager ngunti laman pa rin siya ng kalye, nakayapak at nagugutom.

Isa si "jay-jay" sa mga batang tinuturuan at pinapakain namin noon tuwing Sabado.At isa rin siya sa pina ka aktibo, madaldal, magaspang at pinaka madungis. Sa tuwina kong pakikipag usap sa kanya, napag alaman ko na nakatira siya sa kaniyang mga tiyahin noon at hindi nag aaral, sabi nya naghihingi siya ng limos sa isang kalapit na supermarket at kadalasn ay isinusugal sa kara y krus.

Hindi na kami nagpupunta sa lugar na dati niyang tinitirhan, natapos na ang aming feeding program sa kanilang lugar kaya hindi ko na rin siya nakita....hanggang kanina...sa labas ng mercury drug..habang nagpapatila kami ng ulan..

Nakangiti ako sa kanya pero umiiyak ang puso ko na laman pa rin siya ng kalye, nakayapak at nagugutom. Sabi niya nagpaparking daw siya para may pangbili ng pagkain,umalis na daw siya sa kaniyang tiyahin dahil ayaw sa kaniya. Naalala ko ang isa sa mga "batang hamog" na kamakailan lang ay naaksidente at namatay.

Hindi siya humingi ng pera sa akin bagkus ang sinabi nya kung pwede ko siya pakainin. Itinuro niya sa akin ang katabing tindahan ng pares at nag order ng pagkain niya habang pinagsasabihan ko siya na malaki pa ang pag-asang mabago ang buhay niya dahil bata pa siya, pwede pang maiba ang direksiyon at gumanda ang estado ng buhay niya.

Labinlimang taon na si "jay-jay" at ngayon daw siya ay nasa grade 2 at hindi ko alam kung matatapos niya ito.

Napaisip tuloy ako, may magagawa ba ako? kami? sapat na nga ba na naturuan namin sila noon at napakain? Nabahaginan ng salita ng Diyos?

Pwede pang sagipin si "jay-jay" sa kalye at totoo na pwede pang gumanda ang buhay niya...KUNG

....kung meron siyang maayos na pamilyang uuwian
..kung meron siyang magulang na gagabay sa kaniya
..kung merong mga taong magmamalasakit..ng totoo

Sana makumbinsi ko siya na pumasok na lang sa isa sa mga foundations o organisasyon na kumakalinga sa mga batang kalye.

Sana hindi siya matulad sa naging kapalaran ng isa sa mga "batang hamog".

2 comments:

Doi said...

nag bigay ako ng 5usd. sensiya yon lang ang nakayanan ko :(. sana madami pang magbigay. pero bakit ayaw mag appear pa diyan?

Rocks said...

nag appear na ya!! thanks so much :) malaking tulong yun.